Nabasa niyo na siguro o narinig ang balita na ang International Monetary Fund Managing Director na si Dominique Strauss-Kahn ay inaresto dahil inakusahan siya ng sexual assault, attempted rape, at unlawful imprisonment. Sinasabing ang kanyang biktima ay isang chambermaid sa Sofitel Hotel sa New York.
Ayon sa Wikipedia, si Dominique Gaston André Strauss-Kahn ay isang manananggol, pulitiko, at ekonomista. Maliban sa pagiging Chief ng IMF, si Strauss-Kahn ay kilala dahil isa siya sa mga tanyag na personalidad na maaaring tumakbo sa pagkapresidente sa 2012 French Presidential elections. Kung sakaling ihayag niya ang kanyang interes na pamunuan ang France, magiging ika-lima siya sa mga personalidad na nasa ilalim ng Socialist Party na may intensyong maging presidente.
May mga lumilitaw na teorya na ang mga nangyaring hindi maganda kay Strauss-Kahn ay may kaugnayan sa kanyang balak na tahaking landas sa mundo ng pulitika at ito ay dulot ng isang malaking conspiracy. Maaaring ito rin ay dahil sa pulitika sa loob ng IMF.
Ngunit mas maingay pa sa mga teoryang aking nabanggit ang mga balitang hindi ito ang unang pagkakataon na si siya ay inakusahan ng sexual assault. Siya rin ay napapabalitang may iba’t ibang babaeng karelasyon. Ano man sa mga ito ang totoo ay tiyak na ang pagkasira ng imahe ng Pranses na ito.
Sa likod ng malaking pangalan at ng higanteng isyung ito, tingnan naman natin ang isa pang isyu (Inception?!) Ito ay ang isyu sa pagiging lalaki ng sinasabing suspek na si Strauss-Kahn at pagiging babae sinasabing biktima.
Madalas kasing mangyari na ang mga kalalakihan ang inaakusahan na may masamang intensyon. Hindi ko sinasabi na ito ay imposibleng mangyari; sa tingin ko lamang ay nagiging standard na by default na masama ang mga kalalakihan.
Isang halimbawa ay kapag nagsama ang isang lalaki at isang babae sa isang silid, madalas na kinukutuban ang iba sa lalaki kahit na siya as disenteng tao naman. “Huwag mong rereypin si (insert the name of the girl here) ha!?” yan ang madala na bulalas ng iba pag nagsama ang isang lalaki at isang babae sa isang silid. Kahit ito pa ay pabiro, at madalas itong tawanan lamang, hindi ito patas para sa mga kalalakihan. Binibigyang diin kasi nito na ang mga kalalakihan lamang ang may kakayahang gumawa ng masama sa kanilang kasalungat na kasarian. Laging nasa receiving end ang mga kababaihan. Pwede rin naman kasi na ang mga babae ang mang-rape ng lalaki. Sa mundong ating ginagalawan na walang imposible, ito ay posible.
Sa panahon kasi ngayon ang pagiging masama ay walang pinipiling kasarian. Hindi mo alam kung paano ka-twisted ang tao ngayon kaya dapat bigyan lang ng pantay na pagdududa ang bawat isa.
Ikaw babae, kailan mo inamin na ikaw ang may sala?